BABALA! Last sunday sa "MATANGLAWIN" may inanusyo ang mga siyentipiko mula sa iba't ibang panig ng mundo. Sila ay nakadiskubre ng napakadelikadong uri ng ahas. Pinaniniwalaan nila na ito ay galing sa mas magandang uri ng pamilya ng reptilya. Ayon sa BORN TO BE WILD, Ang ahas na ito ay humahaba ng 0.5cm. tuwing ito ay kumakain. Ito ay kumakain tuwing-30segundo o mas kaunti pa. Itong partikular na ahas na ito ay hindi mapapatay o masasaktan ng ano mang sandata. Mamamatay lamang ito kapag nakagat nya ang kanyang sarili o kapag bumangga sya sa pader. Nakakagulat diba? Aba! Pambihira! Ayon pa sa mga siyentipiko, ito lang daw ang tanging paraan para mapatay ang ahas na ito. Pero patuloy ang pananaliksik upang makadiskubre ng panibagong paraan upang mapatay ang nasabing ahas. Ito na ang pinakamakamandag at pinaka nakakamatay na ahas na nadiskubre sa buong kasaysayan ng mundo.
Ang ahas na ito ay matatagpuan lamang sa Nokia 3310 Cellphone. Tingnan sa option ng mga laro. Maraming salamat po sa matiyagang pagbabasa. Hehehe. |
Aba! Pambihira.Is a collection of mga pambihirang things in life and etc. You may try this:
Archives
March 2020
Categories
All
Disclaimer: We do not claim ownership or rights over images, video and writings published on this site unless specified. All contents are copyright of their respected creators. If any images that appear on our blog are in violation of copyright law, please contact us and we will remove the offending content as soon as possible. |