MAYNILA, Pilipinas – Ikinuwento ng isang survivor ng pagsabog sa Davao City ang kahindik-hindik na karanasan sa trahedya na nangyari noong Biyernes ng gabi kung saan 14 katao ang nasawi at mahigit 60 ang nasugatan.
Sa pamamagitan ng Facebook, ibinahagi ni Isel Jhian Abad kung paano niya nasaksihan ang mga masasayang mukha ng mga tao sa paligid na biglang nauwi sa madugong bangungot na puno ng iyakan, sigaw at kamatayan. “Before sumabog ang explosive device, nakita pa ng nga mata ko ang mga ngiti, kiliti and tawa ng mga taong nagmamasahe sa Roxas at ang himbing na mukha ng mga nagpapamasahe. Nakita ko pa na tumatakbo takbo ang mga bata na mahilig mangaroling at manghingi ng barya,” kuwento ni Isel. Ang kasayahang namamayani ay biglang napalitan daw ng trahedya matapos niyang marinig ang isang malakas at nakabibinging pagsabog sa may ‘di-kalayuan. Nasaksihan din niya umano ang isang babaeng buntis na nakatayo at isang lalaking nakasuot ng kulay asul na damit at nagpapamasahe na ilang saglit lang ay nakatihaya na sa daan at nangingisay. “HINDI KO MAINTINDIHAN ANG AKING NARARAMDAMAN, NABINGI AKO NG MATAGAL, DINUDUROG ANG AKING PUSO NANG HINDI KO MAINTINDIHAN. hindi ko namalayan na pati pala ako nasugatan din. Sugat na mag iiwan sa aking puso,” dagdag pa nito. Gusto raw niyang lapitan at tulungan ang mga biktima subalit bigla siyang nakarinig ng sigaw na may isa pang bomba umanong sasabog; sanhi upang magsitakbuhan ang mga taong nakarinig. Sundan ang kwento sa original na facebook post ni Isel Jhian Abad. Source: Definitely Filipino, Isel Jhian Abad |
Aba! Pambihira.Is a collection of mga pambihirang things in life and etc. You may try this:
Archives
March 2020
Categories
All
Disclaimer: We do not claim ownership or rights over images, video and writings published on this site unless specified. All contents are copyright of their respected creators. If any images that appear on our blog are in violation of copyright law, please contact us and we will remove the offending content as soon as possible. |