Bilang isang modelo at artista, madalas nakikita ng mga tao si Solenn Heusaff bilang glamoroso at kabigha-bighani. Lalo na at may mga magazine covers siya at aminado siyang hindi din iyon ganun kaganda dahil hindi naman lahat iyon totoo dahil ito ay nadadaan sa make up at mga beauty enhancers.
Sa kanyang vlog, ipinakita ni Solenn kung paano siya naghahanda para sa isang shoot mula sa paglagay ng make up, hair extension at pagpili ng tamang damit. Habang suot ang isang magarang damit na talaga namang nagpakita lalo ng kanyang kurba ay ipinakita niya ang isang halimbawa kung paano minsan hindi dapat ikumpara ang sarili sa mga nakikita sa social media sapagkat ang pinapakita lang naman ng karamihan ng mga tao ay ang magaganda at hindi kadalasan totoo.
Ayon pa sa kanya ang mahalaga ay totoo ka. Kahit pa gamitan mo umano ng pang edit ang iyong ipopost, hindi ka magkukunwari na iyon ikaw. Pwede kang magpakatotoo na pinaganda mo iyon.
Si Solenn ay isang Kapuso aktres na kilala bilang modelo, pintor at performer. Kinagigiliwan sila ng kanyang asawang si Nico Bolzico sa Instagram dahil sa kanilang pagiging totoo at masayahin. |
Aba! Pambihira.Is a collection of mga pambihirang things in life and etc. You may try this:
Archives
March 2020
Categories
All
Disclaimer: We do not claim ownership or rights over images, video and writings published on this site unless specified. All contents are copyright of their respected creators. If any images that appear on our blog are in violation of copyright law, please contact us and we will remove the offending content as soon as possible. |