Arestado ang isang lalaking call center agent matapos niyang hawakan umano sa dibdib ang isang batang babae sa loob mismo ng isang mall sa Quezon City. Ang naturang insidente, nahuli-cam. Sa ulat ni Mav Gonzales sa GMA News TV's "Balitanghali" nitong Huwebes, ipinakita ang kuha ng surveillance camera sa loob ng mall noong nakaraang Huwebes habang nakatayo ang biktima at karga ang isang bata. Kapansin-pansin din ang isang lalaki na tila sumusunod sa bata at hindi nagtagal ay inakbayan nito ang biktima at hinawakan umano sa dibdib.
Hindi nakakilos ang bata sa bilis nang pangyayari habang lumakad naman kaagad palayo ang lalaki. Ayon sa ina ng biktima, nagsumbong sa kaniya ang anak tungkol sa ginawa ng lalaki kaya nagpatulong sila sa security guard ng mall para mahuli ang lalaki. Naaresto naman at nakilala ang lalaki na si Ronn Eric Regala, 30-anyos, at call center agent. Tumanggi si Regala na magsalita sa harap ng camera pero itinanggi niya ang alegasyon laban sa kaniya. Desidido ang bata at ina nito na kasuhan si Regalo, na kasalukuyang nakakulong at mahaharap sa reklamong acts of lasciviousness in relation to Republic Act 7610 o ang child abuse law. Source: GMA News |
Aba! Pambihira.Is a collection of mga pambihirang things in life and etc. You may try this:
Archives
March 2020
Categories
All
Disclaimer: We do not claim ownership or rights over images, video and writings published on this site unless specified. All contents are copyright of their respected creators. If any images that appear on our blog are in violation of copyright law, please contact us and we will remove the offending content as soon as possible. |