Pinaslang ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng salarin na sumusunod sa kaniya sa Burgos St., Barangay Concepcion sa Malabon dakong 10:30 n.g., nitong Huwebes.
Sa ulat ng GMA, ipinakita sa kuha ng closed-circuit-television camera (CCTV) sa Malabon ang pagpaslang sa isang lalaki na tila nagmamakaawa pa na huwag itong patayin. Sa video footage, lumingon pa umano ang biktima sa lalaking sumusunod sa kaniya na makikitang may nakatagong baril sa likod. Nang nagsimulang tumakbo ang biktima ay agad siyang pinaputukan ng salarin hanggang sa siya’y bumagsak,
Kapansin-pansin ang pagmamakaawa ng biktima sa salarin ngunit muli siya nitong pinagbabaril kahit sugatan na.
Mapapansin din sa CCTV na matao at maraming sasakyan ang dumaraan sa lugar. Tinangay ng salarin ang laman ng bulsa ng biktima, bago umalis na parang walang nangyari. Walang nakuhang pagkakakilanlan sa salarin, at patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis para alamin kung makikilala ang suspek sa kuha ng CCTV. Panoorin ang ulat mula sa UB ng GMA News:
Source: GMA, Definitely Filipino
|
Aba! Pambihira.Is a collection of mga pambihirang things in life and etc. You may try this:
Archives
March 2020
Categories
All
Disclaimer: We do not claim ownership or rights over images, video and writings published on this site unless specified. All contents are copyright of their respected creators. If any images that appear on our blog are in violation of copyright law, please contact us and we will remove the offending content as soon as possible. |