Sa isang panayam sa isang basketball event kung saan dinaluhan ng mga taga Bacoor Cavite, di sinasadyang nasabi ni Vice Governor Jolo Revilla ang mga salitang 'Bola muna bago droga.' Ito ay matapos siyang hingan ng pahayag sa isang panayam ng isang babaeng reporter. Pinasalamatan niya ang mga taga Bacoor sa kanilang kooperasyon ngunit tila hindi niya napag-isipang maigi ang kanyang sumunod na sinabing 'Bola muna bago droga.' Gayunpaman, binawi niya ito at sinabing 'Bola, hindi droga.' Binatikos naman ito ng ibang netizens.
Si Jose Lorenzo Hernandez Bautista o mas kilala bilang si Jolo Revilla ay anak nila Senator Bong Revilla at Congresswoman Lani Mercado. Pinasok niya ang pulitika nang tumakbo siya at nanalong Kapitan ng Panapan VII sa Bacoor, Cavite. Naging presidente siya ng Association of Barangay Captains sa Cavite. Naluklok naman siya bilang Vice Governor noong 2013 elections at naitalang pinakabatang naging Vice Governor sa buong Pilipinas.
|
Aba! Pambihira.Is a collection of mga pambihirang things in life and etc. You may try this:
Archives
March 2020
Categories
All
Disclaimer: We do not claim ownership or rights over images, video and writings published on this site unless specified. All contents are copyright of their respected creators. If any images that appear on our blog are in violation of copyright law, please contact us and we will remove the offending content as soon as possible. |